Simbahan ng Majayjay

 

Unang pinatayo yari sa kawayan at pawid sa Sitio May-it ng mga misyonerong Agustino matapos ang pamamayapa sa katutubo ni Salcedo.  1571: Nasunog. 1576: muling ipinatayo ng mga Pransiskano sa panahon ni P. Juan de Plasencia.  1578: Muling nasunog.  1606: Ipinatayo ang kasalukuyang simbahang bato.  1616 - 1649: Bahagyang nasunog.  1660: Pinaayos.  1707: Pinalaki at pinagtibay sa pamamahala ni P. Jose de Puertollano. Pamuling ipinaayos noong mga taong1839, 1842 at 1848 dahil sa pinsala ng bagyo.  Naging Himpilan ng mga imperyalistang Amerikano noong digmaang Pilipino - Amerikano.  Isinaayos, 1912.