Pinoy Fake Painting Kuno


'Lam naman ninyo na puro quick & dirty ang mga photo effects natin. Bilibid or not puro daya ang photoshop naten. I don't spend more than 5 minutes per picture, kung sisilipin maigi eh maraming mali at medyo balbon. Kaya nga panalo 'tong bundled software na Corel Painter Essential 4 kasamang libre dito sa Wacom Bamboo tablet natin. Toits po ang sample on how to transform your photo into a Pinoy fake painting kuno. Just a few clicks, konting stroke ng pen ayan presto! Mabini painting na. (pasintabi po sa mga kapatid natin sa Mabini)  Pwedeng ibenta sa ilalim ng tulay ng Quiapo.