Nakagawian ng mga umaakyat sa Baquio ang dumaan at magsimba sa Manaoag, Pangasinan para matirik ng kandila alay sa Our Lady of Manaoag. Syempre pa nanjan din ang mga kakaning pinoy sa paligid ligid ng luya este simbahan. Makakabili din po ng mga makulay na Santong gawa sa yeso.
Masarap na Tupig, malagkit na kanin hinaluan ang ginatgat na niyog at binalot sa dahon ng saging. Manamisnamis dahil sa pulot at niluto sa nagbabagang baga! Bayan!
Dahil nasobrahan sa tupig at nagpurorot si Bertha, sa pagmamadali ay hindi ko na nalaman at natikman ang kakaning ito. Madalas akong matutula at nagtatanong hangang ngayon. Oh no! Ano kaya ito?