Pinoy Fake Paintings Kuno
'Lam naman ninyo na puro quick & dirty ang mga photo effects natin. Bilibid or not puro daya ang photoshop naten. I don't spend more than 5 minutes per picture, kung sisilipin maigi eh maraming mali at medyo balbon. Kaya nga panalo itong bundle software na Corel Painter Essential 4 kasamang libre dito sa Wacom Bamboo tablet natin. Toits po ang sample on how to transform your photo into a Pinoy fake paintings kuno. Just a few clicks, konting stroke ng pen ayan presto! Mabini painting na, pwedeng ibenta sa ilalim ng tulay ng Quiapo. Nasa ibaba po yung original photo ni Picabo (our pom) at pumpkins sa me kanto namin.