Dakilang Lola

3D photo old manila

Dakilang Lola
by angelz_24

Panginoon ako sayo'y taimtim na ngpapasalamat
sa lahat ng mga biyaya na aming tinatamasa
sa lagi Mong pagkalinga at pagdinig sa aming mga hinaing
at lalo't higit sa pagkakaloob Mo isang lolang mapagmahal

Lolang maing pinakamamahal
siyang nag-aruga sa apo't mga anak
tunay ngang ika'y larawan ng isang mabuting ina at dakilang lola
na karapat dapat igalang at ipagbunyi


kami sayo'y taos pusong nagpapasalamat
sa magandang paghubog sa aming pagkatao
nawa'y ipagpatawad minsanang pagkakamali
na nagbibigay sakit sa ulo mo

aming lola tunay ngang ika'y napakadakila
ikaw na nakakatanto sa tunay naming katauhan
pagkat sa iyong piling namulat yaring kaisipan
sa iyong mga kamay na tunay na pinagpala


ngayong kami'y malalaki na
panahon na para masuklian namin
ang lahat ng pag-aaruga't pagmamahal
na taos puso mong ipinamalas sa amin


marapatin nawang ika'y mapaglingkuran
ika'y maalagaan ng lubos
at ipadama ang wagas na pagmamahal
na nakatanim sa aming mga puso para sayo...

Pinoy 3D Stereo Photography